Labong

This is a poem written by my great granduncle Alejandro Sumagui of Mendez.

Labong

Sa Mendez ako kumitang liwanag
Amat Ina ko poy anak din sa hirap
Sa sinop ni Ama at kay Inang sikap
Maligaya po kami sa lahat ng oras.

Nagising ako sa tapik ni Nanay
At halik ni Lolang may pulot pukyutan
Alam ba ninyo? si Lolat ang Tatay
Nang dahil sa akin malimit magbangay.

Kalaban si Lola kung akoy paluin
Bata pa raw po upang pagdusahin
Ngunit si Amay may isang tuntunin
Lumaki ng huko, mahirap unatin.

Ako namang ito bagamat bata pa
Maalam na rin ng mali at tama
Pag-ibig ni Lolay batid kong dakila
Ngunit takot akong lumaki ng kuba.

Nais kong lumaki paris ng kawayan
Matuwid ang puno, ugat ay matibay
Iyang tao raw pong may matuwid na asal
Ay kabig ng Dios at dangal ng bayan.

Kung akoy lumaki, kawayang tanghalin
Huwag pong magitla ang inyong paningin
Isang Labong akong sa sukal sumupling
Pinanggalingan koy tinik na masinsin.

by Alejandro Sumagui

Leave a Reply